...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Tuesday, January 3, 2012

Salamat sa Joyride ng 2011

Akalain mo, 365 days na naman pala ang lumipas. Isang taon na naman ng mga ala-ala ang naipon natin. Hamak mo, ilang beses ba tayong kinabagan ng dahil sa mga halakhak at tawanan sa tuwing may kasiyahan tayo o nagkakatuwaan? Ilang panyo ba ang nabasa natin ng luha ngayon taon? Ilang bandehado ban g pagkain ang naubos natin sa mga simpleng kainan at foodtrip? Ilang case ng beer at bote ng alak ang naubos natin? Hayyyy hirap bilangin ano… pero sarap balik balikan lahat ng mga iyon… mga simple tambay, maghapong galaan, harutan, biruan, pikunan, tampuhan, away at kung anu-ano pa. Buti na lang kasama ko kayo noong 2011.

Pero bago ako mag-ggodbye kiss kay 2011 at salubungin ng ngiti si 2012… eh gusto ko muna magpasalamat sa BIG 10 OF MY 2011….

Unahin natin ang mga taong di naniwala sa kakayanan ko… nanmaliit sa akin, pinagdudahan ang aking pagkatao…inalipusta ako at in short mga umaway sa akin… salamat kasi ng dahil sa inyo… lalo akong tumibay. Natuto akong lumaban at natutong harapin ang mga pagsubok. Nakakatuwa nga eh… kasi sabi nila, di raw pupukulin ang puno kumg hindi ito hitik sa bunga… so alam ko na ibig sabihin nun.

Salamat din sa mga taong nakasama ko sa HACP at PCLA, lalo na kila Ana, Andrea, Bogz, Hannah, Saren, Mawin, Joshane, Kenneth, Hans, Eca, Keith, Shean, Shammah, Milky, Generome at Sarjie…Salamat kasi, pinadama nyo sa akin na mahalaga ako sa inyo. Kayo ay bahagi na ng buhay ko at din a mawawala sa puso ko.

Syempre makakalimutan ko ba ang mga parents na naniwala sa akin. Kay Ate Mhel na kahit kelan hindi ako binitawan, tnx dahil sayo nakilala ko at naranasan ko yung gift of music ni Kenneth, ditto lang po ako lagi para sa inyo. Kay Ate Cel, na kapatid ni espren Sam, salamat sa pagsuporta. Kay Ate Myrna, salamat pos a tiwala at salamat maski alam ko na hindi iba sa inyo ang nakabangga ko, pero di kayo nawalan ng tiwala sa akin.

Sa mg kasamahan at mga kaibigan ko sa Fusion, specially kay JC, Jil, Juliet at Joy, salamat kasi kayo yung kasama ko lagi at nagging dahilan kung bakit nakapag-adjust ako sa bago kong environment. Syempre pasasalamatan ko din ang favorite TL ko si Judoy, maski masungit yan, okz na okz yan.

Sa mga high school friends ko, Eduard, Ginalyn, Mariane, Hilda, Dominic at Batch 2001. Thanks kasi maski 10 years na ang lumipas eh hindi pa rin kayo nakakalimot. Kita kita na lang tayo sa reunion.

Sa Li Family, Tita Rose, Cham, Sherwin, Jam, Stevee at Claudine. Thanks at tinanggap nyo ako as part of your family. Salamat sa lahat ng mga pinagsamahan natin. Dito lang ako as your kuya.

Sa mga superfriends ko, kay Sam at Ann, salamat sa suporta at loyalty. Sana magtagal pa yung friendship natin hanggang sa mga matatanda na tayo.

Sa family ko…salamat sa pagmamahal at suporta. Sa Tatay ko, na maski bungangero ay mahal na mahal ako, sa Kuya ko na maski pasaway ay napakamaaalalahanin, sa Ate ko na very supportive, sa mga pamangkin ko na ubod na mga likot, mahal ko kayo. Teka…kay Carlos Adrian pala…maski di tayo magkadugo… higit pa sa kapatid ang turing ko sayo…salamat at tinuring mo ako na kuya. Welcome ka lagi sa bahay.

Kay “”baby” alam mo naman na mahal na mahal kita at lagi kang nasa puso ko. Kaw lang ang babae sa buhay ko sana tandaan mo yan.

At syempre kay Daddy God, salamat sa mga blessings at sa mga taong nakapaligid sa akin. Sana po i-guide nyo pa po ako sa 2012.


2012 na mga peepz!!! Salamat sa joyride ng 2011. Sana makasama ko pa kayo sa byahe ng aking buhay ngayong 2012…