Masusukat ba ang lalim ng pag-mamahal tulad ng dagat? Mauunawaan ban g isip ng tao ang bulong ng puso? Maipapaliwanag ba ang saya na dulot ng pag-mamahal? Mahiwaga ang pintig at tibok ng puso. Di kayang ipaliwanag maski na ang pinakamatalinong tao samundo. Minsan kailangan mo na lang magpatianod sa agos ng pagmamahal. Di alintana kung ikaw man ay masaktan.
Sabi nila, nakapwesto ang utak na mas mataas kaysa sa puso. Ang utak daw ang mas nakakaalam kung ano ang mas tama. Ngunit sa maraming pagkakataon, bakit puso ang nananaig. Bakit ang bulong ng puso and mas umiiral kaysa sa dikta ng isip? Nakakatawa pero totoo… sa maraming oras,maski ang utak ng taoay nagiging bobo at nagiging sunud-sunuran sa puso.
Masarap ang magmahal. Mapagpalaya sa isipan. Kakaiba ang tuwa na nararanasan ng taong nag-mamahal at minamahal. Kaygaan ng bawat hakbang. Ang bawat sandali ay may dulot na ngiti sa labi. Ang bawat oras ay parang isang buhay na panaginip…puno ng saya, tigib ng ngiti.
Ngunit di sa lahat ng pagkakataonay tama ang bulong ng puso. Minsan, mali ang napipili nating mahalin. Umaasa tayo sa isang imposibleng bagay…na mahalin na taong minamahal. Mabigat sa dibdib, masukal sa kalooban… mapait na karanasan. Ang sugat na maaring idulot nito sa ating puso ay mag-iiwan ng marka… ng pilat na mag-papaalala sa ating kabiguan. Luha ang kapalit ng kabiguan… minsan buhay ang nasisira ng dahil dito.
Maging masaya man tayo o mabigo ng dahil sa bulong ng puso. Di dapat yun maging batayan ng ating bukas. Patuloy na pakingganang bulong nito…ngunit isa-alang-alang din ang dikta ng isipan. Sa huli, anuman ang ating magiging pasya… tayo ang haharap sa magiging bunga nito. Masarapmagmahal kahit paminsanminsan ito ay nakakasakit.
