...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Monday, June 16, 2008

dugo sa ginintuang pangako


Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya-The barangay chairman of a mining village here, who dreamed that his village would become as world-class community one day, was shot dead by unidentified assassin Thursday night on a grassy footpath leading to his house.

The bloodied body of Barangay Captain Paul Baguilat, 55, was found by his daughter Tennisee Baguilat, 24, at about 6:30 yesterday morning.

She said her father had failed to go home the night before.


Ikinagulat ko nang mabasa ko ito, umaga ng May 31, 2008. Di ko personal na kakilala si Kap. Paul, nakikita ko lang sya kapag umaakyat ako ng Didipio kung saan may project ang kompanyang pinagtratrabahuan ko. Di man kami lubos na magkakilala, kakilala ko personally ang anak nya na si Gladys at Tenessee. Maraming haka-haka ang kumalat ukol sa walang awang pagpaslang kay kap. Ngunit ang isa sa pinakamalaking haka-haka ng dahilan ng pagkamatay sa kanya ay may kinalaman sa on going project ng OceanaGold Philippines sa pagmimina ng ginto sa lugar na iyon.


Maraming nalungkot sa pangyayaring iyon. Pakiwari ng karamihan, isang dagok ang dumating sa mga tagaDidipio. Ngunit sa ganang sa akin, di ko maunawaan kung bakit kailangan pang magbuwis ng buhay ng dahil lang sa sigalot ng pagmimina. Hindi masama na pangarapin ni kap. Paul na makita nya ang kanyang lugar na pinaglilingkuran na umaahon sa kahirapan at nagkakaroon ng pagbabago. Ang pagkamatay ng isang butihing lider na tulad ni Kap. Paul Baguilat ay isang kawalan di lamang para sa mga tagaDidipio kundi para sa mas nakakaraming tao.


Malungkot at nakakapanghinayang, ngunit sana, sa pagdanak ng dugo sa lupa ng ginintuang pangako, ay magdala ng aral at pagkakaisa upang mapaunlad pa lalo ang lugar na pinagbuwisan ng buhay ni Kap. Paul. Kaya kay Kap. Paul Baguilat, kung nasaan man sya, saludo ako sa kanya.


No comments: