...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Sunday, July 24, 2011

ganito ako noon...heto ako ngayon...paano na bukas?

Masaya pala na kahit paminsanminsan ay babalikan mo yung dati mong mga ginagawa. Kahit papaano nakakawala ng mga pagod at mga problema sa kasalukuyan mong buhay. Minsan akala mo, sa patuloy mong paglalakbay sa buhay ay kailangan ka lang na nakatanaw sa bukas…di natin alam na kailangan paminsan minsan eh lumingon tayo sa nakalipas.

Nayong araw na ito, may tatlong bagay akong napagtanto tungkol sa kahapon. Tatlong bagay na kailangn kong isaisip sa pagtanaw ko sa bukas. Una, mula sa mga pangyayari sa kahapon, natutuo tayong harapin ang hamon ng buhay. Di natin kakayanin na makipagsabayan sa gulo at bilis ng takbo ng mundo kung di tayo nagsimula sa pagkatuto…at tayo ay natuto sa mga pangyayari sa kahapon. Minsan, nagiging mapagmalaki tayo at di natin kinikilala ang nagging bahagi ng kahapon sa kung ano tayo at anong mero tayo ngayon.

Pangalawa kong napagtanto na kailanman ay di mo mapaghihiwalay ang ugnayan ng kahapon, ngayon at bukas. Ang nakaraan mo ay ang kinabukasan mo. Kailangan mong tapusin bukas kung ano ang sinimulan mo kahapon. Di mo maabot ang mga pangarap mo bukas kung di ka nagsimulang mangarap kahapon. Tanggapin natin sa sarili natin na tayong lahat ay nagsisimula sa baba, gaya ng isang maghapon na nagsisimula sa bukangliwayway at magtatapos sa mapayapang hating-gabi. Gulo ano? Pero kung pipilitin mong intindihin…mapagtatanto mo na ang buhay ay isang pagpapatuloy ng mga nasimulan hanggang ito ay sa wakas ay matapos mo din.

Pangatlo kong natutunan ay ang pagpapahalaga sa mga taong naging bahagi ng iyong kahapon, sila man ay nagging mabuti sayo o nagdulot sayo ng pighati. Ang mga taong nagging pasakit sayo nung nakaraan ay siyang mga naging dahilan kung bakit ka matatag ngayon at lumalaban. Sila ang naging dahilan kung bakit di mo na inaalintana ang mga pagsubok ng buhay. Sa mga mapagkutya nilang mga dila, natutunan mo ang mapagkumbaba at mapagmatyag sa sarili mong mga salita at mga kilos. Ang mga tao naman na naging kaibigan mo at nagmahal sayo ay nagdulot sayo ng kalambutan ng puso. Sila ang nagturo sayo na magmahal at tumingin sa positibong aspeto ng buhay. Ang mga kaibigan na magiging gabay mo sa patuloy na paglalakbay…at alam mo na lumaban ka man at matalo at masaktan…may bukas palad na tatanggap ulit sayo at hindi ka itatakwil…kahit kelan.

Nasa gitna ako ng isang paglalakbay sa isang masalimuot na daan ng buhay. Nakatanaw ako lampas sa kinabukasan, ngunit di ko pwedeng kalimutan na lumingon sa kahapon. Doon masasalamin ko ang aking mga pagkakamali at unti-unit…lahat ng mga ito ay akin ng maitatama.

No comments: