ang tagal ko nang di nakapagpost at wala sana akong balak na magpost ngayon, kaya lang masyado akong nadala sa napanood ko kahapon... alam ko na marami sa ating nakapanood ng wowowee kahapon, naiyak ako sa segment ng willie of fortune, pero hindi dahil sa naaawa ako sa kalagayan nila sa buhay, bakit ako maaawa eh halos magkakapareho lang kaming mga hikahos, naiyak ako sa inggit sa mga kasali... mga ina kasi sila, pero hindi sila basta mga ina, kundi mga inang may malasakit sa kanilang mga anak, lumayo man sila sa kanilang mga anak iyon ay upang hindi takasan ang responsibilidad nila bagkus para harapin ito at ng mabigyan ng magandang buhay ang mga anak... sa kabila ng hirap at pagdurusa, hindi nila tinalikuran ang kanilang mga anak...
nakakainggit sila, pinaparamdam nila sa kanilang mga anak na maski malayo sila, mahal pa rin nila ang kanilang mga supling, kaya nilang tiisin ang hirap mailagay lang sa mabuting kalagayan ang mga anak...
masarap sa pakiramdam ng isang anak ang malaman na ang kanyang ina ay malayo man ay malapit pa rin, na kahit anong mangyari anak pa rin ang laging una sa kanya
ako kasi, di ko naranasan yun, kaya buti pa sila, alam nila ang pakiramdam na mahalin ng isang nanay
...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...
Saturday, July 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment