...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Monday, September 8, 2008

...bakit ako naging astig...

Sa persepsyon ng nakararami, ang pagiging isang astig ay makikita kung paano ka pumorma at kung paano ka maging cool sa paningin ng ibang tao. Ang iba tinitingnan nila ang pagiging astig ng isang tao sa mga bagay na inaakala nilang magiging kabuuan ng kanilang pagkatao. Astig ka kung marunong kang magpalabas ng usok ng sigarilyo mula sa ilong mo, o kaya naman kung nasa uso ang cellphone mo. Cool ka kung alam mo kung paano makipagsabayan ng inom sa mga sunog baga, o kaya naman kung nagbibilang ka ng napasagot na babae o napaikot na lalake. Sa iba naman, sa mga medyo sosi, cool ka pag may modelo ka “four wheels” o kaya mga hi-tech na mga gadgets. Kung babae ka, astig pag prada ang bag mo, signature ang damit at suki ka ni Ricky Reyes. Sa lalake naman, cool kung may condom ka sa wallet, para masabi ng mga kabarkada mo na di ka na virgin. Astig ka pag ang suot mo ay imported at signature brand. Hanep din ang dating kung may tsikot o kaya motor pag papasok ka sa school with matching shade maski umuulan. Iba ang dating mo kapag di ka nasisindak ng mga teacher. O kaya naman, cool kapag lagi ka sa mall, nakatambay lagi sa starbucks, gumugimik sa “the embassy” at laman ng mga gigs. Wow pare cool!

Pero, kung sa paningin ng iba ay astig ang mga bagay na iyon parang may mali. Ang astig ay tagalong slang na ibig sabihin ay tigas, ikinukumpara ito sa tatag at tigas ng kalooban. Di bam as magandang sabihin na astig ang isang tao kung nalagpasan at nalalagpasan n gang bawat yugto ng kanyang buhay ng maykatatagan kahit gaano ito kahirap at kagulo. Kung tinawag kang astig at puro luho at pagkilala lamang ang nakukuha mo dahil sa mga bagay na hindi mo naman pinaghirapan, ano ang saysay ng katatagan ng loob? Nasaan ang tigas ng dibdib?

Mas cool pa ang mga batang nagbabanat ng buto at pinandidirihan ng karamihan dahil sa dungis nila. Dahil sa kanilang kamusmusan, nalaman nila ang tunay na laro at ikot ng buhay. Mahirap ang kanilang ginagawa, pero kinakaya nila at hinaharap nila. Kaawa-awa silang tingnan dahil ninakaw sa kanila ang kanilang pagiging musmos. Pero mas mabuti pa sila, natututo sila. Di sila tulad ng mga mapanghamak na tinedyer na walang ginawa kundi ang manglustay ng per na pinaghirapan ng mga magulang nila. Mas nakakaawa sila kaysa sa mga astig na batang nagbabanat ng buto.

Ako, masasabi ko, astig ako. Tiyak, natatawa ka sa sinabi ko. Makapal na kung makapal na ang mukha pero uulitin ko at paninindigan ko, astig ako, cool ako. Baka itanong nyo sa akin, kung ayos ba ang porma ko, kung may wheels ba ako at kung ano ang tatak ng mga damit ko, ay naku, di ko na sasagutin at tyak, sisimangot lang kayo.

Pero, ako ang magtatanong sa inyo, naranasan nyo ba ang mga hirap na naranasan ko? Pinagdaanan nyo ba ang mga kabiguan na dumating sa akin? O di kaya, nasadlak nab a kayo sa matinding kalungkutan at ang hindi ka angkinin o kilalanin bilang ikaw? Sasabihin nyo, ang drama ko, pero yan ang katotohanan sa aking buhay. Marami akong pinagdaan at nalagpasan ko ang mga iyon. Marami pang pagsubok ang darating sa akin pero kakayanin ko. Pinatatag ng panahon ang kalooban ko at buong pagkato ko. Astig ako dahil kinaya ko yun lahat.

Naiiba ang kwento ng aking buhay kaysa sa karaniwan. Parang nasa pelikula at teleserye. Malungkot na masaya, pero lahat pinagpapasalamat ko dahil iyon ang bumuo sa aking pagkatao. Ang nagturo sa puso kong magmahal at magpatawad. Minsan, naiinggit ako sa ibang tao dahil sa iba ang nagging takbo ng kanilang kwento, pero sabi ko, bakit gugustuhin ko ang maging iba, eh ako ito at naiiba ako sa lahat.

Sa dami ng nangyari sa akin, din a ako basta-basta mapapasuko. Kinaya ko na ang mga hirap at kakayanin ko pang ang mga darating. Astig ako, hindi dahil, maporma ako at hi-tech ang mga gadgets ko, pero dahil matatag ako at lalo pang tumatatag. May kumontra man dun, wala na akong pakialam, basta para sa akin astig ako, cool!

No comments: