...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Friday, October 1, 2010

Guro, Iba Ka!


(written by Joshane Samson during the PCLA celebration of the 2010 World Teachers' Day--1st place - sanaysay high school)




Si Wonderwoman, Superman, Batman, pati na si Captain Barbel at Darna ng Pilipinas, ay ilan sa mga kilalang tagapagligtas ng bayan. Sila ay mga kathang isip ng mga awtor na gustong magpaaliw sa tagabasa at tagapanuod ng mga ito. Meron silang taglay na kapangyarihan na nagbibigay daan para maligtas nila ang mga nangangailangan.

Nanonood kami, sabi ng kapatid ko, "Ate, iba talaga si Superman, ang galing niya at ang lakas pa". Napaisip ako, may mga taong noon pa man ay superhero na para sa akin. Ang aking mga guro.

Papunta sa paaralan taglay ang sinag ng umagang kayganda. Sa umaga ay gigising taglay ang isang matamis na ngiti. Tatawid sa tawiran at mag-aakay ng matandang nahihirapang tumawid. Sa paaralan sisimulan ang pagbati ng "Good Morning" sa mababait na mga estudyante. Magtuturo ng kapakipakinabang at katangitanging bagay sa aspeto ng musika, syensya, relihiyon, ingles, pagbilang, paghahanapbuhay at marami pang iba. Hindi rin mabibigo sa pagpapayo ng personal na problema at marami pang iba. Sa lungkot at ligaya andyan sila para maging guro, kaibigan, nanay, tatay, ate o kuya. All around! Naisip ko, masarap maging guro pero mahirap din. Masarap dahil ang daming buhay ang natutulungan nila at mahirap dahil madaming gawain. Pero ito ang kahangahanga sa kanila. Madami mang kontrabida sa buhay nila, sila pa din ang bida sa puso ng bawat estudyanteng naturuan nila. Andyan sila 24/7. Kasama sa hirap at ginhawa.

Ang lawak ng naisip ko, nasabi ko na lang sa kapatid ko, "Alam mo, totoo yang si Superman, kasi may kakilala akong superhero na tumutulong sa buhay ko." Natawa ang kapatid ko, "Si ate nagbibiro." Ngumiti ako at naisip ko, hindi man sila nangangailangan ng bato at sumigaw para maging si Darna o barbel para maging si Captaing Barbel, sila naman ang mga taong walang natatanging kapangyarihan ngunit sila pari ang superhero sa buhay ko. Saludo ako sa inyo. Guro, iba ka!

No comments: