



december 28, 2008, kagagaling lang ng lobo, derecho sa terminal ng bus. next destination ko? masbate!!!! pagdating ko sa terminal, agawan na ng masasakyan. naghanap ako ng byaheng pilar sorsogon, at sa kamalasmalasan nga naman at wala ng byaheng pilar, wala akong choice kundi sumakay ng byahe bulan, sorsogon. akala ko hanggang dun na lang ang kamalasan na mangyayari sa akin, ang hindi ko alam, yun pa lang pala ang simula. pagdating sa SLEX, nagkabuholbuhol ang mga sasakyan sa sobrang traffic, halos 2 hours kaming nastuck sa slex, nang sa wakas nalampasan namin ang mahabang traffic, mejo nakatulog ako sa byahe. around 11 ng gabi, huminto ang bus na sinasakyan ko, yun pala, nag-overheat ang bus (kung minamalas ka nga naman), buti na lang after 30 minutes naayos din ang bus, nakarating kami ng bulan, sorsogon mga bandang alas dose ng tanghali nung december 29, 2007(grabe 14 hours na byahe), txt kaagad ako sa tatay ko (nauna na kasi sya sa masbate, gumala pa kasi ako sa lobo, hehehehe) para abangan nila ako sa pantalan ng dimasalang, masbate, yun kasi ang pinakamalapit. ngreply na antayin daw nila ako dun. kumain muna ako ng lunch bago tumuloy sa pantalan ng bulan para dun sumakay ng ferry boat papuntang dimasalang, masbate. ang sarap ng kain ko kasi ang pinili kong ulam ay yung ginataang pagi. akala ko wala ng kamalasan na darating sa akin, kaya lang pagdating ko ng pantalan, nakaalis na pala ang huling ferry na byabyahe papuntang dimasalang, huhuhuhu. pero di ako nawalan ng pag-asa, may lumapit sa akin na mama, may byabyahe daw na maliit na ferry, kaya lang sa masbate proper dadaong, mas malayo yun kaysa sa dimasalang. pero ala na akong choice kundi kagatin yung offer na yun. ittxt ko na sana ang tatay ko na sa masbate city na lang ako antayin ng bigla akong nalowbatt (wahhhhhhh, malas talaga). pagdating ko sa masbate city, nine na ng gabi, wala ng byahe papuntang cataingan, masbate. nilakasan ko na ang loob ko, punta ako sa opisina ng montenegro linings at nakicharge ako, buti na lang mabait yung gwardya (thank you po manoy). nung binuksan ko cp ko, daming txt ni tatay, "josen asan ka na" "josen asan ka na" josen ka na", call kaagad ako, sabi ko nasa masbate city ako, sabi nila sunduin nila ako dun, habang nag-aantay, naghapunan muna ako, kaya after 1 hour na pg-aantay, dumating na rin ang sundo ko, sa wakas. nakatulog ako pagdating sa bahay ng tita ko sa sobrang pagod.
kinabukasan, december 30, 2007, kwentuhan, kainan at nagdatingan mga pinsan ko. tuwang tuwa ako sa ibang pinsan ko na may mga asawa na at
niloloko ako kung kelan daw ako susunod, sabi ko pag nakita ko na ang babaeng magmamahal sa akin (corny ko ano). after nun, gumala kami, pinuntahan ko mga kaibigan ko doon at katulad ng mga pinsan ko, may mga asawa na rin sila (mukhang napag-iiwanan na talaga ako).
december 31, 2007, last day ng year 2007, naghahanda kami sa pagsalubong sa year 2008, nagtulongtulong kami sa pagluluto, at ang pinakabest sa lahat, naglechon ang tito ko, hehehehe. kinagabihan, nagsimba kaming lahat at pagkatapos nanuod kami ng fireworks display sa park. pagkatapos nun, umuwi na kami at pinagsaluhan ang mga pagkain na niluto namin. yung mga "wala pang sabit" na tulad ko, di pa nakuntento after ng ilang "shot" pumunta kami sa municipal auditorium na may sayawan, at duon nagpakalunod kami sa kakaparty.
sa unang araw ng 2008, nagdecide ako na dalawin ang dati kong school at mga dating kong kaklase. una kong pinuntahan, ang buenavista, yung dati kong school, wala kahit isang tao, ako lang ang andun. ewan ko ba, iba ang pakiramdam ko nung mga oras na iyon, parang bigla ko na lang naalala lahat ng mga pinaggagagawa ko nung high school pa ako. una kong sinilip yung room ko nung first year ako, napakaraming ala-ala na nakatago sa room na iyon. ang adviser namin na lagi kaming pinapagalitan at kung ano-ano pa. sunod kong pinuntahan yung room namin nung second year, d2 ko nareceived yung una kong certificate of merits, nung manalo ako ng 3rd place sa essay writing nutrition month (hehehehehe) at yun yung taon na natnggap ako sa school paper namin (proud to be vistanian). after nun, magkasunod kong pinuntahan yung room namin nung third year at fourth year pati yung vista office. after nun, naupo ako sa isang bench, ang laki na ng pagbabago nung school namin. may kasiyahan akong naramdaman nung mga oras na iyon, at di ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko. ang eskwelahan na iyon, ang daming ala-al, dito ako unang na-inlove, una kong iniyakan ang mga kaibigan ko at "ka-ibigan", dito ko natutunan ang tunay na pagkakaibigan, kung paano magparaya at kung ano ang tunay na buhay. parang nananauli ang lakas sa katawan ko, ang tagal ng panahon na inasam ko ang sandaling ito. naibulong ko ang isang pasasalamat para sa lugar na ito, ang lugar na nagsilbing kanlungan ng mga dati kong munting mga pangarap. natigil ang emote moment ko (jejejeje) ng magtxt pinsan ko, "insan, sunod ka d2, nasa beach kami". kaya sumunod ako sa kanila at ngpakasaya kami maghapon.
Kinabukasan, habang papaalis ang sinasakyan naming ferry boat, pinagmasdan ko ng matagal ang Masbate, ang lugar na naging tahanan ko sa loob ng anim na taon, ang lugar kung saan ako natuto na lumaban sa hamon ng buhay. di ko pa alam kung kelan ulit ako makakabalik sa lugar na iyon. alam ko malalayo na naman ako sa lugar na ito, ngunit sa puso ko, mananatili kong tahanan ang Masbate. hanggang sa muli, Masbate, asahan mo at pangako ko, babalik ako... sa iyo...