...minsan ko nang napagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw sa isang bukang liwayway…kasabay nito…ang haring araw ay umuupo na sa kanyang tronong ulap… kapagdaka’y ang lamig na aking nadarama ay unti-unting napapalis dala ng init ng sinag ng isang magandang umaga…
…sa pagbubukas ng isang araw… panibagong pakikibaka na naman ang aking kahaharapin at aking dapat pagtagumpayan…
…sa pakikibakang ito, naranasan ko ang mabigo at magtagumpay, madapa at muling bumangon, masaktan at makasakit, umibig at ibigin…
…sa bawat pagpintig ng oras… nararamdaman ko ang pagbabagong lumulukob sa aking pagkatao… animo isa akong bakal na unti unting pinapanday ng panahon… ang aking loob ay pinapatatag ng bawat pagsubok na aking napagtatagumpayan…
…mahaba ang aking tinahak at mas mahaba pa ang aking tatahakin… mahirap at masukal ang landas na aking dadaanan… ngunit alam kong kayak o ito…
…sa pagdatal ng dapit hapon… unti-unting binabalot ng dilim at ng lamig ang aking paligid… ngunit hindi ako mangangamba dahil may pag-ibig nag-aalab na aagaw sa akin sa kadiliman at magbibigay init sa aking katauhan…
…pagsapit ng dilim… may mga bagay na naman na magiging bahagi na lang ng aking kahapon… at mula dito… aantayin ko na naman na dumating ang isang bagong bukang liwayway… at ng isang bagong bukas…

No comments:
Post a Comment