



...as usual, umuwi ako ng pulilan ng myerkules santo, pahinga ng sandali at gumala na kaagad, punta ako kila regina, tulad ng lagi kong ginagawa, duon ako nananghalian at tuwang tuwa si nanay nita dahil tumaba ako (syanga pala, si regina pala ang kasangga ko at kaututang dila, hehehehe) after nun, kwentuhan, kwentuhan at nagkasundo kami na kila jeng2x kami tatambay sa good friday dahil manunuod kami ng penitensya...
...kinabukasan ng gabi, holy thursday, nagvisita iglesias kami, pumunta kami sa simbahan sa baliuag, sa plaridel, san rafael, guiguinto at sa tatlong parish church sa pulilan (sto. cristo, miracullous medallion at san isidro), dapat daw kasi pitong simbahan para makumpleto mo, natapos kami ng alas tres na ng madaling-araw...
...good friday, kila jeng2 kami tumambay, dumating din si kare, noel, aizel, at kuya bhong, nanuod kami ng penitensya at nagkainan kami hanggang hapon, mga four na ng hapon kami umalis, six ng gabi ngkita-kita ulit kami para sa prusisyon, ang layo ng inikutan ng prusisyon napagod ako kaagad kaya ang ginawa ko, umuwi ako sa amin at duon ko inantay ang prusisyon, nanuod na lang ako, whehehehehe, wais ata ito... nung black saturday, tambay lang ako sa bahay, patay daw si Kristo kaya bawal daw mag-ingay at gumala, kinabukasan, madaling araw ako nagising para manuod ng "salubungan", after ng salubong nagkaroon ng fire works display, ang saya... after nun, tulog ulit ng kaunti at pumunta na ako sa villa remedios resort para sa easter sunday happening namin, swimming, kainan ulit at kantahan buong maghapon, after nun nagsimba ako, and guess what? nakakuha ako ng easter egg sa ilalim ng upuan na inuupuan ko, pero binigay ko sa batang katabi ko (bait ko ano)...
...ang saya sana ano, kaya lang kinabukasan kelangan ko nang bumalik sa quirino, as usual, back to work na naman... sana bakasyon ulit... hehehehehe...

No comments:
Post a Comment