...all my life, I am searching for the missing piece of my soul, I had been to places trying to find the missing particle of me... how I couldn't see that all the answers to all my queries pointed straight to you... and indeed, you are the other half that makes me whole...

Friday, May 23, 2008

...didipio...



















...sa unang dinig ko sa lugar na didipio, inakala ko na isang pangkaraniwang libilib na lugar lamang ito na puno ng katutubong tribo… September, 2008 nang una akong makapunta sa didipio, yun ay bilang paghahanda ko sa nalalapit na pagkadestino ko… namangha ako sa ganda ng didipio, sa klima nito at sa mga tao na nakatira dito… una kong napansin sa kanila ang kaugalian nila sa “pagnganganga”, nagulat ako dahil kahit sa mga bata ay maraming gumagawa nito… napaisip ako sa tagpong ito… ano kaya ang pakiramdam ng nag-nganganga…

…October, 2007 ng madestino na ako sa didipio, sinimulan kong pag-aralan ang kultura ng mga taga-didipio… dahil sa pag-aaral na ito… namulat ako sa isang napakakulay na kultura, ang kanilang kaugalian, halimbawa na lang sa kasalan at sa pagbibigay ng huling pag-galang sa namayapa nilang mahal sa buhay ay ibang-iba sa nakaugalian ko… ang kanilang kapaligiran at ang kanilang komunidad ay tila isang bagong libro na aking binabasa… ang kanilang maburol na pamayanan ay nag-aanyaya sa mga taong gusting makipagniig sa kalikasan at makipag-isang dibdib sa malamig na simoy ng hangin… ang bawat dampi ng patak ng ulan sa tuwing umuulan sa aking balat ay tila lumilinis sa aking puso dahil sa kadalisayan nito,… ang bawat pagbulong ng hangin sa tuwing dapithapon ay tila isang piping musika na dumadaloy sa iyong diwa… sa taas ng mga burol, matatagpuan mo ang di matatawarang kapayapaan ng loob at katahimikan na gumagamot at nag-papaalis sa kapagalan ng iyong katawan… tila bang nag-aanyaya ang tunog ng lagaslas ng tubig na malayang umaagos sa ilog na ikaw ay umindak sa saliw ng musika ng kalikasan…

…isang pambihirang pag-kakataon sa akin na marating ang lugar na ito, ang maranasang makisalamuha sa mga tao duon na nagbigay sa akin ng kakaibang karanasan…

…iyan ang didipio….


















No comments: